Font Size
2 Mga Hari 13:21-23
Ang Biblia (1978)
2 Mga Hari 13:21-23
Ang Biblia (1978)
21 At nangyari, samantalang kanilang inililibing ang isang lalake, na, narito, kanilang natanaw ang isang pulutong; at kanilang inihagis ang lalake sa libingan ni Eliseo: at pagkasagi ng tao ng mga buto ni Eliseo, siya'y nabuhay uli, at tumayo sa kaniyang mga paa.
22 (A)At pinighati ni Hazael na hari sa Siria ang Israel sa lahat ng kaarawan ni Joachaz.
23 Nguni't ang Panginoo'y naawa sa kanila at nahabag sa kanila, at kaniyang pinakundanganan sila, dahil sa kaniyang tipan kay (B)Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, at hindi nilipol sila o pinalayas man sila sa kaniyang harapan hanggang noon.
Read full chapter
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978