Add parallel Print Page Options

10 Iyong tunay na sinaktan ang Edom, at pinapagmataas ka ng (A)iyong puso: lumuwalhati ka nawa, at tumahan sa bahay: sapagka't bakit ka nakikialam sa ikasasama, upang ikaw ay mabuwal, ikaw, at ang Juda na kasama mo?

Ang pakikidigma ni Amasias sa Israel—pinatay ng mga manghihimagsik.

11 Nguni't hindi dininig ni Amasias. Sa gayo'y umahon si Joas na hari sa Israel; at siya, at si Amasias na hari sa Juda ay nagtitigan sa (B)Beth-semes, na ukol sa Juda.

12 At ang Juda ay napariwara sa harap ng Israel; at (C)sila'y tumakas bawa't isa sa kaniyang tolda.

Read full chapter