Font Size
2 Mga Hari 15:14-16
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 15:14-16
Ang Biblia, 2001
14 Pagkatapos si Menahem na anak ni Gadi ay umahon mula sa Tirsa at dumating sa Samaria, at kanyang sinaktan si Shallum na anak ni Jabes sa Samaria, at pinatay siya at nagharing kapalit niya.
15 Ang iba pa sa mga gawa ni Shallum, at ang pakikipagsabwatan na kanyang ginawa, ay nakasulat sa Aklat ng mga Kasaysayan[a] ng mga Hari ng Israel.
16 Nang panahong iyon, ginapi ni Menahem si Tifsa[b] at ang lahat ng naroroon, at ang mga nasasakupan nito mula sa Tirsa, sapagkat siya ay hindi nila pinagbuksan, kaya't sinakop niya ito; at biniyak niya ang tiyan ng lahat ng babaing buntis na naroroon.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 15:15 o Cronica .
- 2 Mga Hari 15:16 o Tapua .