Font Size
2 Mga Hari 15:19-21
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 15:19-21
Magandang Balita Biblia
19 Sa panahon ni Menahem, ang Israel ay sinalakay ni Haring Pul ng Asiria.[a] Nagbigay sa kanya si Menahem ng 35,000 kilong pilak upang makuha ang suporta nito sa pagpapalakas ng kanyang paghahari sa Israel. 20 Para matipon ang halagang ito, hiningan niya ng tiglilimampung pirasong pilak ang lahat ng mayayaman sa Israel at ibinigay sa hari ng Asiria. Dahil dito, hindi sinakop ng Asiria ang Israel.
21 Ang iba pang ginawa ni Menahem ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 15:19 Haring Pul ng Asiria: o kaya'y Tiglat-pileser .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.