Add parallel Print Page Options

Ang pagsalakay ng mga taga Asiria.

29 Nang mga kaarawan ni Peka na hari sa Israel ay naparoon si (A)Tiglathpileser na hari sa Asiria, at sinakop ang (B)Ihion, at ang (C)Abel-bethmaacha, at ang Janoa, at ang (D)Cedes, at ang (E)Asor, at ang Galaad, at ang Galilea, ang buong lupain ng Nephtali; at kaniyang dinalang bihag sila sa Asiria.

30 At si Oseas na anak ni Ela ay nagbanta laban kay Peka na anak ni Remalias, at sinaktan niya siya, at pinatay niya siya, at naghari na kahalili niya, nang ikadalawangpung taon ni Jotham na anak ni Uzzia.

31 Ang iba nga sa mga gawa ni Peka, at ang lahat niyang ginawa, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

Read full chapter