Font Size
2 Mga Hari 15:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 15:32-34
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahari ni Jotam sa Juda
32 Nang ikalawang taon ng paghahari ni Peka na anak ni Remalias sa Israel, naging hari ng Juda si Jotam na anak ni Azarias. 33 Dalawampu't limang taóng gulang siya noon at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-anim na taon. Ang kanyang ina ay si Jerusa na anak ni Zadok. 34 Siya ay naging kalugud-lugod kay Yahweh sapagkat sinundan niya ang mabuting halimbawa ng kanyang amang si Azarias.
Read full chapter