Add parallel Print Page Options

Si Haring Zacarias ng Israel

Nang ikatatlumpu't walong taon ni Azarias na hari ng Juda, si Zacarias na anak ni Jeroboam ay naghari sa Israel sa Samaria sa loob ng anim na buwan.

Siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng kanyang mga magulang. Hindi niya iniwan ang mga kasalanan ni Jeroboam na anak ni Nebat, na nagbunsod sa Israel sa pagkakasala.

10 At si Shallum na anak ni Jabes ay nakipagsabwatan laban sa kanya, at sinaktan siya sa harapan ng bayan,[a] at pinatay siya, at nagharing kapalit niya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Mga Hari 15:10 o sa Ibleam .