Add parallel Print Page Options

Nang panahong iyon, ang Elat ay nabawi ng hari ng Edom;[a] naitaboy nila ang mga taga-Juda. Mula noon, ang mga taga-Edom na ang tumira roon. Samantala, si Ahaz ay nagpadala ng sugo kay Haring Tiglat-pileser ng Asiria at kanyang ipinasabi, “Ako ay tapat mong lingkod. Iligtas mo ako sa mga hari ng Siria at Israel na sumasalakay sa akin.” Tinipon ni Ahaz ang lahat ng makita niyang pilak at ginto sa Templo ni Yahweh at sa kabang-yaman ng palasyo at ipinadala sa hari ng Asiria.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Mga Hari 16:6 hari ng Edom: Sa ibang manuskrito'y Haring Rezin ng Siria .