Add parallel Print Page Options

10 (A)At sila'y nangagsipaglagay ng mga haligi na pinakaalaala at mga (B)Asera sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng lahat na sariwang punong kahoy;

11 At doo'y nagsunog sila ng kamangyan sa lahat na mataas na dako, gaya ng ginawa ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap nila; at nagsigawa ng masasamang bagay upang mungkahiin ang Panginoon sa galit;

12 At sila'y nagsipaglingkod sa mga diosdiosan, (C)na siyang sa kanila ay sinabi ng Panginoon, (D)Huwag ninyong gagawin ang bagay na ito.

Read full chapter