2 Mga Hari 17:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Gayon ma'y hindi nila dininig, kundi kanilang pinatigas ang kanilang ulo, na gaya ng ulo ng kanilang mga magulang, na hindi nagsisampalataya sa Panginoon nilang Dios.
15 At kanilang itinakuwil ang kaniyang mga palatuntunan, at ang kaniyang tipan na kaniyang itinipan sa kanilang mga magulang, at ang kaniyang mga patotoo na kaniyang ipinatotoo sa kanila; at sila'y nagsisunod sa (A)walang kabuluhan, at (B)naging walang kabuluhan, at nagsisunod sa mga bansa na nangasa palibot nila, ayon sa ibinilin ng Panginoon na huwag silang magsigawa ng gaya ng mga yaon.
16 At kanilang iniwan ang lahat na utos ng Panginoon nilang Dios, at nagsigawa ng mga (C)larawang binubo, sa makatuwid baga'y ng dalawang guya, at nagsigawa ng isang (D)Asera, at (E)sinamba ang buong natatanaw sa langit, at (F)nagsipaglingkod kay Baal.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978