Add parallel Print Page Options

Siya'y gumawa ng matuwid sa paningin[a] ng Panginoon, ayon sa lahat ng ginawa ni David na kanyang ninuno.

Kanyang(A) inalis ang matataas na dako, winasak ang mga haligi, at ibinagsak ang mga sagradong poste.[b] Kanyang pinagputul-putol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises, sapagkat hanggang sa mga araw na iyon ay pinagsusunugan ito ng insenso ng mga anak ni Israel; ito ay tinawag na Nehustan.

Siya'y nagtiwala sa Panginoong Diyos ng Israel at walang naging gaya niya sa lahat ng mga hari ng Juda pagkatapos niya o maging sa mga nauna sa kanya.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Mga Hari 18:3 Sa Hebreo ay mga mata .
  2. 2 Mga Hari 18:4 Sa Hebreo ay Ashera .