Add parallel Print Page Options

25 “‘Tila hindi mo pa nababalitaan
    ang aking balak noon pa mang araw?
Ang lahat ng iyon ngayo'y nagaganap
    matitibay na lunsod na napapaligiran ng pader,
    napabagsak mong lahat at ngayo'y bunton ng pagkawasak.
26 Ang mga nakatira sa mga nasabing bayan,
    pawang napahiya at ang lakas ay naparam.
Ang kanilang katulad at kabagay
    ay halamang lanta na sumusupling pa lamang,
natuyong damo sa ibabaw ng bubong.

27 “‘Lahat ng ginagawa mo'y aking nalalaman,
    ang pinagmulan mo at patutunguhan.
    Hindi na rin lingid ang iyong isipan,
    alam kong sa akin ika'y nasusuklam.

Read full chapter