Add parallel Print Page Options

27 “‘Lahat ng ginagawa mo'y aking nalalaman,
    ang pinagmulan mo at patutunguhan.
    Hindi na rin lingid ang iyong isipan,
    alam kong sa akin ika'y nasusuklam.
28 Dahil sa matinding poot mo sa akin,
    at kahambugan mong sa aki'y di lihim,
ang ilong mong iya'y aking tatalian
    at ang iyong bibig, aking bubusalan,
ibabalik kita sa iyong pinagmulan.’”

29 Sinabi ni Isaias, “Haring Ezequias, ito ay magiging isang palatandaan para sa iyo: Sa taóng ito, ang kakainin mo'y bunga ng mga supling ng pinag-anihan. At sa susunod na taon ay mga bunga rin noon. Ngunit sa ikatlong taon, maghasik kayo at mag-ani, magtanim ng ubas at kainin ang mga bunga niyon.

Read full chapter