Add parallel Print Page Options

Sapagka't kaniyang itinayo uli (A)ang mga mataas na dako na iginiba ni Ezechias na kaniyang ama; at kaniyang ipinagtayo ng mga dambana si Baal, at gumawa ng Asera, gaya ng ginawa ni (B)Achab na hari sa Israel, at (C)sumamba sa lahat ng natatanaw sa langit, at naglingkod sa kanila.

At siya'y (D)nagtayo ng mga dambana sa bahay ng Panginoon, na pinagsabihan ng Panginoon, (E)Sa Jerusalem ay ilalagay ko ang aking pangalan.

At kaniyang ipinagtayo ng mga dambana ang lahat na natatanaw sa langit sa (F)dalawang looban ng bahay ng Panginoon.

Read full chapter