Font Size
2 Mga Hari 23:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 23:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Nang(A) makita niya ang isang puntod, itinanong niya, “Kaninong puntod iyon?”
“Puntod po iyon ng propetang mula sa Juda. Siya po ang nagpahayag noon ng tungkol sa pagwasak na ginawa ninyo ngayon sa altar sa Bethel,” sagot ng mga tagaroon.
18 Sinabi niya, “Kung ganoon, huwag ninyong gagalawin ang kanyang kalansay.” Kaya hindi nila ginalaw ang mga buto niyon pati ang kalansay ng propeta mula sa Samaria.
19 Pati ang mga dambana ng mga diyus-diyosan sa mga lunsod ng Samaria na ipinagawa ng mga naging hari ng Israel at siyang naging dahilan ng galit ni Yahweh ay ipinagiba ni Haring Josias. Ginawa rin niya rito ang ginawa niya sa Bethel.
Read full chapter