2 Mga Hari 23:24-26
Ang Biblia (1978)
24 Bukod dito'y sila na nakikipagsanggunian sa masamang espiritu, at ang mga manghuhula, at ang mga terap, at ang mga diosdiosan, at ang lahat na karumaldumal na natanawan sa lupain ng Juda, at sa Jerusalem, ay pinagaalis ni Josias, upang kaniyang matupad ang mga salita ng kautusan na (A)nasusulat sa aklat na nasumpungan ni Hilcias na saserdote sa bahay ng Panginoon.
25 (B)At walang naging hari na gaya niya na una sa kaniya, na bumalik sa Panginoon ng buong puso niya, at ng (C)buong kaluluwa niya, at ng buong kapangyarihan niya, ayon sa buong kautusan ni Moises; ni may bumangon mang sumunod sa kaniya na gaya niya.
26 Gayon ma'y hindi tinalikdan ng Panginoon ang bagsik ng kaniyang malaking pagiinit, na ipinagalab ng kaniyang galit laban sa Juda, dahil sa lahat na (D)pamumungkahi na iminungkahi ni Manases sa kaniya.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978