Font Size
2 Mga Hari 23:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 23:27-29
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
27 Kaya't sinabi ni Yahweh, “Itatakwil ko ang Juda tulad ng ginawa ko sa Israel. Ganoon din ang gagawin ko sa Lunsod ng Jerusalem na aking pinili, pati sa Templong sinabi ko na doo'y sasambahin ang aking pangalan.”
Ang Pagwawakas ng Paghahari ni Josias(A)
28 Ang iba pang ginawa ni Josias ay nakasulat sa Kasaysayan ng mga Hari ng Juda. 29 Nang panahong iyon, ang bahagi ng Asiria sa gawing Ilog Eufrates ay sinalakay ni Neco na Faraon ng Egipto. Sumaklolo si Haring Josias sa hari ng Asiria, ngunit napatay siya sa Megido.
Read full chapter