Font Size
2 Mga Hari 23:31-33
Ang Biblia, 2001
2 Mga Hari 23:31-33
Ang Biblia, 2001
Si Haring Jehoahaz ng Juda(A)
31 Si Jehoahaz[a] ay dalawampu't tatlong taon nang siya'y magsimulang maghari; at siya'y naghari sa loob ng tatlong buwan sa Jerusalem. Ang pangalan ng kanyang ina ay Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna.
32 Siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, ayon sa lahat ng ginawa ng kanyang mga magulang.
33 Ibinilanggo siya ni Faraon-neco sa Ribla sa lupain ng Hamat, upang siya'y hindi makapaghari sa Jerusalem; at pinapagbuwis ang lupain ng isandaang talentong pilak at isang talentong ginto.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 23:31 Tinatawag na Sallum sa Jer. 22:11.