Font Size
2 Mga Hari 24:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 24:18-20
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Paghahari ni Zedekias sa Juda(A)
18 Si(B) Zedekias ay dalawampu't isang taóng gulang nang maging hari ng Juda, at naghari siya sa Jerusalem sa loob ng labing-isang taon. Ang ina niya'y si Hamutal na anak ni Jeremias na taga-Libna. 19 Tulad ng masamang halimbawa ni Jehoiakim, ginawa rin ni Zedekias ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh.
20 Umabot(C) na sa sukdulan ang galit ni Yahweh sa Jerusalem at Juda kaya ang mga ito'y ipinabihag niya sa mga kaaway.
Read full chapter