Font Size
2 Mga Hari 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 3:4-6
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Hinulaan ni Eliseo ang Tagumpay Laban sa Moab
4 Maraming tupa si Haring Mesa ng Moab at taun-taon ay nagbubuwis siya sa Israel ng sandaang libong kordero at balahibo ng sandaang libong tupa. 5 Ngunit nang mamatay si Ahab, naghimagsik siya laban sa Israel. 6 Kaya, mula sa Samaria'y tinipon ni Haring Joram[a] ang lahat ng mga kawal ng Israel.
Read full chapterFootnotes
- 6 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.