Font Size
2 Mga Hari 3:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 3:7-9
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
7 Nagpadala siya ng sugo kay Haring Jehoshafat ng Juda at ipinasabing naghimagsik laban sa kanya ang hari ng Moab. Ipinatanong niya kung tutulungan siya sa pakikipagdigma laban dito. Ganito naman ang sagot ni Jehoshafat: “Tutulungan kita sampu ng aking mga tauhan at kabayo. 8 Saan kami dadaan sa aming paglusob?” tanong pa niya.
“Sa ilang ng Edom,” sagot ni Joram.[a]
9 Kaya, nagsama-sama ang sandatahang-lakas ng mga hari ng Israel, Juda at Edom. Makaraan ang pitong araw nilang paglalakad, naubusan sila ng tubig. Wala nang mainom ang mga kawal at ang mga hayop.
Read full chapterFootnotes
- 8 Joram: Sa tekstong Hebreo ay Jehoram , na isang paraan ng pagbaybay ng pangalang ito.