Add parallel Print Page Options

26 Tumakbo ka, isinasamo ko sa iyo ngayon, na salubungin siya, at iyong sabihin sa kaniya, Mabuti ka ba? mabuti ba ang iyong asawa? mabuti ba ang bata? At siya'y sumagot, Mabuti.

27 At nang siya'y dumating sa lalake ng Dios (A)sa burol, siya'y (B)humawak sa kaniyang mga paa. At lumapit si Giezi upang ihiwalay siya; nguni't sinabi ng lalake ng Dios: Bayaan siya; sapagka't siya'y namamanglaw; at inilihim ng Panginoon sa akin, at hindi isinaysay sa akin.

28 Nang magkagayo'y sinabi niya, Ako ba'y humiling ng isang anak sa aking panginoon? (C)di ba sinabi ko, Huwag mo akong dayain?

Read full chapter