2 Mga Hari 4:29-31
Ang Biblia (1978)
29 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Giezi, (A)Bigkisan mo ang iyong mga balakang, at tangnan mo ang aking tungkod sa iyong kamay, at yumaon ka ng iyong lakad: kung ikaw ay makasasalubong ng sinomang tao, (B)huwag mo siyang batiin; at kung ang sinoman ay bumati sa iyo, huwag mo siyang sagutin: at (C)ipatong mo ang aking tungkod sa mukha ng bata.
30 At sinabi ng ina ng bata, (D)Buháy ang Panginoon, at buháy ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At siya'y tumindig, at sumunod sa kaniya.
31 At si Giezi ay nagpauna sa kanila, at ipinatong ang tungkod sa mukha ng bata; nguni't wala kahit tinig, o pakinig man. Kaya't siya'y bumalik na sinalubong siya, at nagsaysay sa kaniya, na nagsabi, (E)Ang bata'y hindi magising.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978