Font Size
2 Mga Hari 5:18-20
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 5:18-20
Magandang Balita Biblia
18 At sana ay patawarin niya ako sa gagawin ko. Kasi, pagpunta ng aking hari sa Rimon upang sumamba, isasama niya ako at kasama ring luluhod. Sana'y patawarin ako ni Yahweh sa aking pagluhod sa templo sa Rimon.”
19 Sinabi sa kanya ni Eliseo, “Humayo kang payapa.”
Nang malayu-layo na si Naaman, 20 naisaloob ni Gehazi na lingkod ni Eliseo, “Hindi tinanggap ng aking panginoon ang ibinibigay sa kanya ni Naaman? Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] hahabulin ko ang taga-Siriang iyon at hihingi ako sa kanya ng kahit ano.”
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 5:20 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.