Font Size
2 Mga Hari 5:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Mga Hari 5:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 naisaloob ni Gehazi na lingkod ni Eliseo, “Hindi tinanggap ng aking panginoon ang ibinibigay sa kanya ni Naaman? Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy,[a] hahabulin ko ang taga-Siriang iyon at hihingi ako sa kanya ng kahit ano.”
21 Sinundan nga niya si Naaman. Nang makita siya nitong tumatakbo, bumabâ ito ng karwahe. Sinalubong siya nito at tinanong, “May problema ba?”
22 Sumagot siya, “Wala naman po. Pinasunod lang ako ng aking panginoon para sabihing may dumating na dalawang mahirap na propeta mula sa Efraim. Kung maaari raw ay bigyan mo sila ng 35 kilong pilak at dalawang bihisang damit.”
Read full chapterFootnotes
- 20 Saksi si Yahweh, ang Diyos na buháy: o kaya'y Hangga't si Yahweh ay nabubuhay .