2 Mga Hari 7:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Nang magkagayo'y (A)ang punong kawal na pinangangapitan ng hari ay sumagot sa lalake ng Dios, at nagsabi, Narito, kung ang Panginoo'y gagawa (B)ng mga dungawan sa langit, mangyayari ba ito? At kaniyang sinabi, Narito, makikita mo yaon ng iyong mga mata, nguni't hindi ka kakain niyaon.
Apat na ketongin na nagsiwalat ng pagtakas ng taga Siria.
3 Mayroon ngang apat na may ketong sa (C)pasukan ng pintuang-bayan: at sila'y nagsangusapan. Bakit nauupo tayo rito hanggang sa tayo'y mamatay?
4 Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buháy, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978