2 Mga Hari 7:4-6
Ang Biblia (1978)
4 Kung ating sabihin, Tayo'y magsisipasok sa bayan, ang kagutom nga'y nasa bayan, at tayo'y mamamatay roon: at kung tayo'y magsisitigil ng pagkaupo rito, tayo'y mamamatay rin. Ngayon nga'y halina, at tayo'y lumapit sa hukbo ng mga taga Siria: kung tayo'y iligtas nilang buháy, tayo'y mabubuhay; at kung tayo'y patayin nila, mamamatay lamang tayo.
5 At sila'y nagsitindig (A)pagtatakip silim, upang magsiparoon sa kampamento ng mga taga Siria: at nang sila'y magsidating sa pinakamalapit na bahagi ng kampamento ng mga taga Siria, narito, walang tao roon.
6 Sapagka't (B)ipinarinig ng Panginoon sa hukbo ng mga taga Siria ang hugong ng mga karo, at ang huni ng mga kabayo, sa makatuwid baga'y ang hugong ng malaking hukbo: at sila'y nagsangusapan. Narito, inupahan ng hari ng Israel laban sa atin ang mga hari ng (C)mga Hetheo, at ang mga hari ng mga taga Egipto, upang magsidaluhong sa atin.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978