Add parallel Print Page Options

Bumalik ang Babae mula sa Sunem

At(A) sinabi ni Eliseo sa babae na ang anak ay kanyang muling binuhay, “Bumangon ka, at umalis kang kasama ang iyong sambahayan. Mangibang bayan ka kung saan ka makarating sapagkat tumawag ang Panginoon ng taggutom at ito ay darating sa lupain sa loob ng pitong taon.”

Kaya't ang babae ay bumangon, at ginawa ang ayon sa salita ng tao ng Diyos. Siya'y umalis na kasama ang kanyang sambahayan, at nangibang bayan sa lupain ng mga Filisteo sa loob ng pitong taon.

Read full chapter