Font Size
2 Mga Hari 8:14-16
Magandang Balita Biblia
2 Mga Hari 8:14-16
Magandang Balita Biblia
14 At bumalik na si Hazael kay Ben-hadad.
Tinanong siya nito, “Ano ang sinabi sa iyo ni Eliseo?”
Sumagot siya, “Gagaling daw po kayo,” sagot ni Hazael. 15 Ngunit kinabukasan, binasa ni Hazael ang isang kumot at ibinalot sa mukha ng hari hanggang sa ito'y mamatay.
At si Hazael ang sumunod na hari ng Siria.
Ang Paghahari ni Jehoram sa Juda(A)
16 Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel,[a] si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda.
Read full chapterFootnotes
- 2 Mga Hari 8:16 sa Israel: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na at si Jehoshafat bilang hari ng Juda .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.