Add parallel Print Page Options

Ang Paghahari ni Jehoram sa Juda(A)

16 Nang si Joram na anak ni Ahab ay limang taon nang naghahari sa Israel,[a] si Jehoram na anak ni haring Jehoshafat ay nagsimula namang maghari sa Juda. 17 Tatlumpu't dalawang taon siya nang maging hari, at walong taóng naghari sa Jerusalem. 18 Ginawa rin niya ang mga bagay na hindi kalugud-lugod kay Yahweh. Sinundan niya ang yapak ng mga naging hari ng Israel, tulad ng ginawa ng sambahayan ni Ahab na kanyang biyenan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Mga Hari 8:16 sa Israel: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na at si Jehoshafat bilang hari ng Juda .