Add parallel Print Page Options

34 At pagkapasok niya, siya'y kumain at uminom; at kaniyang sinabi, Tingnan ninyo ngayon ang sinumpang babaing ito, (A)at ilibing ninyo siya: sapagka't anak ng hari.

35 At sila'y nagsiyaon upang ilibing siya: nguni't wala na silang nasumpungan sa kaniya kundi ang bungo, at ang mga paa, at ang mga palad ng kaniyang mga kamay.

36 Kaya't sila'y nagsibalik, at isinaysay sa kaniya. At kaniyang sinabi, Ito ang salita ng Panginoon, na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias na Thisbita, na sinasabi, (B)Sa bahagi ng Jezreel kakanin ng mga aso ang laman ni Jezabel:

Read full chapter