Add parallel Print Page Options

Ang Kasulatan ay Sinabi na Noong Una Pa

12 Kaya nga, hindi ako magpapabaya sa pagpapaala-ala sa inyo ng mga bagay na ito bagamat alam na ninyo ang mga katotohanan at matatag na kayo sa katotohanan na inyo nang tinaglay.

13 Aking minabuti na pakilusin kayo upang maala-ala ninyo ito samantalang nabubuhay pa ako sa toldang ito na pansamantalang tirahan. 14 Yamang alam kong hindi na magta­tagal at lilisanin ko na ang aking tirahan ayon sa ipinakita sa akin ng ating Panginoong Jesucristo.

Read full chapter