Add parallel Print Page Options

17 Sapagka't siya'y tumanggap sa Dios Ama ng (A)karangalan at kaluwalhatian, nang dumating sa kaniya ang isang tinig mula sa Marangal na Kaluwalhatian, (B)Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan:

18 At ang tinig na ito ay aming narinig na nanggaling sa langit, nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.

19 At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang (C)ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at (D)ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso:

Read full chapter