Font Size
2 Pedro 1:17-19
Ang Salita ng Diyos
2 Pedro 1:17-19
Ang Salita ng Diyos
17 Ito ay sapagkat nakita namin nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kaluwalhatian. Ito ay nangyari nang marinig niya ang gayong uri ng tinig na dumating sa kaniya mula sa napakadakilang kaluwalhatian: Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalugdan. 18 Narinig namin ang tinig na ito mula sa langit nang kami ay kasama niya sa banal na bundok.
19 Taglay namin ang salita ng mga propeta na lubos na mapagkakatiwalaan. Makakabuting isaalang-alang ninyo ito. Ang katulad nito ay isang ilawan na nagliliwanag sa kadiliman hanggang sa mabanaag ang bukang-liwayway at ang tala sa umaga ay sumikat sa inyong mga puso.
Read full chapter
Ang Salita ng Diyos (SND)
Copyright © 1998 by Bibles International