Font Size
2 Pedro 1:18-20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
2 Pedro 1:18-20
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
18 Narinig namin mismo ang tinig na nanggaling sa langit noong kasama namin si Jesus doon sa banal na bundok. 19 Dahil nga rito, lalong tumibay ang paniniwala namin sa mga ipinahayag ng mga propeta noon. Kaya nararapat lang na bigyan nʼyo ng pansin ang mga sinabi nila, dahil para itong ilaw na tumatanglaw sa madilim na lugar hanggang sa araw ng pagdating ng Panginoon. Tulad siya ng tala sa umaga na nagbibigay-liwanag sa isipan ninyo.[a] 20 Higit sa lahat, dapat ninyong tandaan na ang lahat ng isinulat ng mga propeta sa Kasulatan ay hindi ayon sa sarili nilang interpretasyon.
Read full chapterFootnotes
- 1:19 hanggang sa araw … isipan ninyo: sa literal, hanggang sa pagsapit ng bukang-liwayway, at pagsinag ng tala ng umaga sa mga puso ninyo.
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®