Add parallel Print Page Options

13 Pagbabayaran nila ang ginawa nilang kasamaan sa iba. Hindi na sila nahihiyang magpakasawa sa kamunduhan araw-araw. Nakikisalo sila sa inyong mga handaan, ngunit puro kasiraan at kahihiyan ang kanilang ginagawa. Ikinatutuwa pa nila ang kanilang panlilinlang. 14 Ang mga mata nila'y punung-puno ng pangangalunya at walang kabusugan sa pagkakasala. Inaakit pa nila na magkasala ang mga mahihina. Sanay na sanay ang kanilang puso sa kasakiman. Mga anak na isinumpa! 15 Iniwan (A) nila ang daang matuwid at sila'y naligaw. Sinundan nila ang daan ng anak ni Beor[a] na si Balaam na umibig sa bayad ng masama.

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Pedro 2:15 Sa Griyego, Buzor.