Add parallel Print Page Options

13 Tatanggapin nila ang kabayaran sa ginagawa nilang kali­kuan. Inaari nilang kaligayahan ang labis na pagpapa­kalayaw kahit na araw. Sila ay tulad ng mga dungis at batik kapag sila ay nakikisalo sa inyo samantalang sila ay labis na nagpapa­kalayaw sa kanilang pandaraya. 14 Ang mata nila ay puspos ng pangangalunya. Wala silang tigil sa paggawa ng kasalanan. Inaakit nila ang hindi matatag ang pag-iisip. Nasanay ang kanilang puso sa kasakiman. Sila ay mga taong isinumpa. 15 Iniwan nila ang tamang daan at sila ay naligaw nang sundan nila ang daan ni Balaam na anak ni Besor. Inibig ni Balaam ang kabayaran sa paggawa ng kalikuan.

Read full chapter