Add parallel Print Page Options

At maraming susunod sa kanilang mga gawang mahahalay, na dahil sa kanila ay lalaitin ang daan ng katotohanan.

At sa kanilang kasakiman ay pagsasamantalahan nila kayo sa pamamagitan ng mga pakunwaring salita. Ang hatol sa kanila mula nang una ay hindi maaantala at ang kanilang kapahamakan ay hindi natutulog.

Sapagkat kung hindi pinatawad ng Diyos ang mga anghel nang magkasala sila, kundi sila'y ibinulid sa impiyerno,[a] at nilagyan ng mga tanikala[b] ng kadiliman, upang ingatan hanggang sa paghuhukom;

Read full chapter

Footnotes

  1. 2 Pedro 2:4 Sa Griyego ay Tartaro .
  2. 2 Pedro 2:4 Sa ibang mga kasulatan ay inilagay sa mga hukay .