Add parallel Print Page Options

Sinumpa(A) [at tinupok][a] ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomorra upang maging babala sa masasama tungkol sa kanilang kasasapitan. Ngunit(B) iniligtas ng Diyos si Lot, isang taong matuwid, na lubhang nabagabag ng mga kahalayang ginagawa ng masasama noong panahon niya. Naghirap ang kalooban ng matuwid na taong ito sa kasamaang nasasaksihan niya araw-araw habang siya'y nakatira doon.

Read full chapter

Footnotes

  1. 6 at tinupok: Sa ibang manuskrito’y hindi nakasulat ang mga salitang ito.