Add parallel Print Page Options

Sasabihin nila, “Hindi baʼt nangako si Cristo na babalik siya? Nasaan na siya ngayon? Namatay na ang mga magulang namin pero wala pa ring pagbabago mula nang likhain ang mundo.” Sinasadya nilang kalimutan ang katotohanan na nilikha ng Dios ang langit sa pamamagitan ng kanyang salita. At nilikha niya ang lupa mula sa tubig at sa pamamagitan ng tubig.[a] At sa pamamagitan din ng tubig, bumaha sa mundo at nalipol ang lahat.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:5 Ang ibig sabihin, nalikha ang lupa nang ihiwalay ng Dios ang tubig sa isang lugar (Gen. 1:9-10).