Add parallel Print Page Options

(18 Iniutos(A) niyang ituro ito sa lahat ng mamamayan ng Juda. Nakasulat ito sa Aklat ni Jaser.)

19 “Karangalan ng Israel sa burol ay niyurakan,
    nang mabuwal ang magigiting mong kawal!
20 Dapat itong ilihim, hindi dapat ipaalam,
    lalo sa Gat, at Ashkelon, sa liwasan at lansangan;
kung ito ay mababatid, tiyak na magdiriwang,
    ang mga Filisteong mga Hentil ang magulang.

Read full chapter