Add parallel Print Page Options

“Bakit? Ano bang nangyari?” tanong ni David.

“Umatras po sa labanan ang hukbo at maraming mga kawal ang napatay. Napatay rin po ang mag-amang Saul at Jonatan,” sagot ng lalaki.

“Paano mo nalamang napatay sina Saul at si Jonatan?” tanong ni David.

Isinalaysay(A) ng lalaki ang pangyayari. “Nagkataon pong ako'y nasa Bundok ng Gilboa. Nakita ko pong hinahabol si Haring Saul ng mga kaaway sakay ng mga karwahe at kabayo. Noon po'y nakasandal siya sa kanyang sibat.

Read full chapter