Add parallel Print Page Options

12 Magpakatapang ka, at tayo'y magpakalalake para sa (A)ating bayan, at sa mga bayan ng ating Dios: at (B)gawin nawa ng Panginoon ang inaakala niyang mabuti.

13 Sa gayo'y nagsilapit si Joab at ang bayan na kasama niya sa pakikipagbaka laban sa mga taga Siria: at sila'y nagsitakas sa harap niya.

14 At nang makita ng mga anak ni Ammon na ang mga taga Siria ay nagsitakas, sila naman ay nagsitakas sa harap ni (C)Abisai, at nagsipasok sa bayan. Ngayo'y bumalik si Joab na mula sa mga anak ni Ammon, at naparoon sa Jerusalem.

Read full chapter