2 Samuel 10:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Nang kanilang saysayin kay David, siya'y nagsugo upang salubungin sila; sapagka't ang mga lalake ay totoong nangapahiya. At sinabi ng hari, Mangaghintay kayo sa Jerico hanggang sa tumubo ang inyong balbas, at kung magkagayo'y mangagbalik kayo.
Tinalo ni David ang magkakampi na Ammon at Siria.
6 At nang makita ng mga anak ni Ammon na sila'y naging nakapopoot kay David, ang mga anak ni Ammon ay nangagsugo, at inupahan ang mga taga (A)Siria sa Beth-rehob, at ang mga taga Siria sa Soba, na dalawang pung libong naglalakad, at ang hari sa (B)Maaca na may isang libong lalake, at ang mga lalaking taga Tob na labing dalawang libong lalake.
7 At nang mabalitaan ni David, kaniyang sinugo si Joab at ang buong hukbo ng (C)makapangyarihang mga lalake.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978