Font Size
2 Samuel 12:13-15
Ang Biblia, 2001
2 Samuel 12:13-15
Ang Biblia, 2001
13 At sinabi ni David kay Natan, “Ako'y nagkasala laban sa Panginoon.” At sinabi ni Natan kay David, “Inalis din ng Panginoon ang iyong kasalanan; hindi ka mamamatay.
14 Gayunman, sapagkat sa pamamagitan ng gawang ito'y binigyan mo ng dahilan ang mga kaaway ng Panginoon, na lumapastangan,[a] ang bata naman na ipinanganak sa iyo ay mamamatay.”
Namatay ang Anak ni David
15 Pagkatapos, si Natan ay umuwi sa kanyang bahay. Sinaktan ng Panginoon ang bata na ipinanganak ng asawa ni Urias kay David, at ito ay nagkasakit.
Read full chapterFootnotes
- 2 Samuel 12:14 o sa pamamagitan ng gawang ito'y nilapastangan mo ang Panginoon .