Font Size
2 Samuel 12:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 12:17-19
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
17 Lumapit sa kanya ang matatandang pinuno sa palasyo at hinimok siyang bumangon, ngunit tumanggi siya. Ayaw rin niyang kumain. 18 Pagkalipas ng anim na araw, namatay ang bata. Hindi nila ito masabi kay David, sapagkat iniisip nilang lalo silang hindi papakinggan nito at sa halip ay gumawa ng marahas na hakbang. 19 Nakita ni David na nagbubulungan ang mga alipin, kaya't naghinala siyang patay na ang bata. “Patay na ba ang bata?” tanong niya.
“Patay na nga po kamahalan,” sagot naman nila.
Read full chapter