Font Size
2 Samuel 13:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 13:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Si Amnon at si Tamar
13 Si Absalom, isang anak na lalaki ni David, ay may magandang kapatid na babae, si Tamar. Si Amnon, isa ring anak na lalaki ni David sa ibang babae, ay umibig kay Tamar. 2 Dahil sa labis na pag-ibig sa kapatid niyang ito, siya ay nagkasakit. Hindi niya malaman ang gagawin at kung paano makukuha si Tamar sapagkat ito'y isang birhen. 3 Ngunit may napakatusong kaibigan si Amnon na ang pangala'y Jonadab. Pamangkin ito ni David sa kanyang kapatid na si Simea.
Read full chapter