Add parallel Print Page Options

19 Pinunit niya ito at nilagyan ng abo ang kanyang ulo. Pagkatapos, tinakpan ng kanyang mga kamay ang mukha, at umalis na umiiyak nang malakas.

20 Nakita siya ni Absalom at tinanong, “May masama bang ginawa sa iyo si Amnon? Kung mayroon ma'y huwag mo nang alalahanin. Siya'y kapatid mo rin kaya't manahimik ka na lang.” Taglay ang matinding kalungkutan, si Tamar ay nanirahan na lang sa bahay ni Absalom.

21 Galit na galit si Haring David nang mabalitaan ito.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 21 mabalitaan ito: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Subalit hindi niya pinarusahan si Amnon sapagkat mahal niya ito at ito ang kanyang panganay .