Font Size
2 Samuel 13:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 13:20-22
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
20 Nakita siya ni Absalom at tinanong, “May masama bang ginawa sa iyo si Amnon? Kung mayroon ma'y huwag mo nang alalahanin. Siya'y kapatid mo rin kaya't manahimik ka na lang.” Taglay ang matinding kalungkutan, si Tamar ay nanirahan na lang sa bahay ni Absalom.
21 Galit na galit si Haring David nang mabalitaan ito.[a] 22 Si Absalom nama'y suklam na suklam kay Amnon dahil sa paglapastangan nito sa kapatid niyang si Tamar. Hindi na niya ito kinibo mula noon.
Read full chapterFootnotes
- 21 mabalitaan ito: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Subalit hindi niya pinarusahan si Amnon sapagkat mahal niya ito at ito ang kanyang panganay .