Font Size
2 Samuel 13:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Samuel 13:34-36
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
34 Samantala, si Absalom ay tumakas matapos ipapatay si Amnon.
Ang bantay sa palasyo'y may natanaw na pulutong ng mga taong bumababa sa burol, sa gawi ng Horonaim.[a] 35 Kaya't sinabi ni Jonadab sa hari, “Dumarating na po ang mga anak ninyo, tulad ng sinabi ko sa inyo.” 36 Nag-uusap pa sila'y dumating nga ang mga prinsipe na nag-iiyakan. Umiyak na rin ang hari at ang kanyang mga lingkod.
Read full chapterFootnotes
- 34 Horonaim: Sa ibang manuskrito'y may dagdag na Kaya ang bantay ay nagpunta sa hari at ipinaalam ang kanyang nakita .